A Love of a Lifetime

Story Info
Middle-aged couple met over facebook, both looking for love.
43k words
4.22
21.4k
16
Share this Story

Font Size

Default Font Size

Font Spacing

Default Font Spacing

Font Face

Default Font Face

Reading Theme

Default Theme (White)
You need to Log In or Sign Up to have your customization saved in your Literotica profile.
PUBLIC BETA

Note: You can change font size, font face, and turn on dark mode by clicking the "A" icon tab in the Story Info Box.

You can temporarily switch back to a Classic Literotica® experience during our ongoing public Beta testing. Please consider leaving feedback on issues you experience or suggest improvements.

Click here

© jason_the_jackal, All Rights Reserved, 2015

A tagalog erotic novella. A story of romance. A work of fiction. Any resemblance to people living or dead is purely coincidental. All characters are above 18.

The first parts was previously posted a year ago, but I decided to removed it because I was having a hard time, with my busy schedule, when to continue the subsequent parts. Now, it is finally done and I am posting it in full, including the finale.

Let me warn you that this is a long read. You have to read it from the top to understand the context. The erotic parts in this story contains: romantic and sensual couplings, bdsm, anal, cheating wives, impregnation and masturbation . All sex scenes are written after build ups, thus, you have to be patient.

Please write a comment after reading po. Thank you all. Enjoy.

Jason, The Jackal, 21 June, 2015.


***

PART ONE

CARLO:

BUKANG LIWAYWAY ng makarating kami sa Ninoy Aquino International Airport. Ihahatid namin ni Jerry ang aming bestrfriend na si Paeng, kasama ang kanyang mag-iina na noon ay paalis papuntang United Kingdom. Mahigit siyam na oras naming binagtas ang Maharlika Highway mula sa aming lalawigan sa Legazpi City, Albay.

Tatlong taon na si Paeng sa UK at bumalik nitong nakaraang buwan upang kunin na ng tuluyan ang kanyang asawa't mga anak.

Papasok na sila sa passengers lounge, kaya sa labas na nababakuran ng salamin, pilit pa rin namin silang tinatanaw at kinakawayan. Itinuro namin ang isang chick na nasa likuran niya na parang artista ang itsura.

Nilingon niya ito at hinagod ng tingin. Kumagat pa siya ng labi, sabay kindat sa amin. Pero binilatan siya ni Jerry na parang kinukutya dahil alam naming di siya makaporma. Kilala naming kilabot sa chicks si Paeng pero sa pagkakataong ito, para siyang maamong tupa na napakabait habang hila-hila ng asawa at dalawang anak.

Mahigit na kaming kuarenta anyos nina Jerry at Paeng pero pag nagkasama kami, para kaming mga batang kiti-kiti. Hindi alintana sa amin ang aming katayuan. Si Raphael, o Paeng na isang private Physician sa amin, hanggang sa ma-recruit bilang bahagi ng Royal Medical Unit sa Buckingham Palace. Ako, na dating Broadcast Executive, at si Jerry na noon ay Police Chief Inspector at Provincial Director ng Criminal Investigation and Detection Group sa Camarines Norte.

Tawa kami ng tawa sa mga nakikitang bloopers sa airport. Nung nakita namin ang isang lola, siguro mga setenta y singko na, na naka-boots, naka-shades, naka leather jacket, naka-shoal at naka mini-skirt na kitang kita ang mga litid sa hita muntik ng atakihin sa puso si Jerry sa katatawa. Ang kulit namin ng oras na yun.

Sa kaa-atras dahil sa tawanan at kulitan, nasagi ko mula sa aking likuran ang isang ale. Nawalan ako ng balanse.

BLAG!

Napa-atras din ang babae at muntik ng matumba, ngunit dahil hindi ko nakita agad ang aking paanan, ako ang natapilok sa hinihila niyang bag. Mabilis kung naitukod ang aking tuhod sa sahig, ngunit hindi ang aking siko. Halos maihi ako sa sakit dahil tumunog ito ng bumagsak sa matigas na flooring. May ilang mga dumadaan ang napatingin. Tinutulungan ako ni Jerry na tumayo, habang halata sa mukha ng babae na tila naasar. Napakunot ito ng noo.

"S-Sorry.." Naiusal ko habang namimilipit sa sakit. Alam kung kami ni Jerry ang may kasalanan.

Kunot ang noo ng babae nang dinampot ang nalaglag na bag at mabilis na lumisan. Me sinasabi ito ngunit hindi ko maintindihan. Siguro'y minumura kami.

Naka-upo pa rin ako kahit gusto na kung alalayan ni Jerry pero hindi ako makatayo dahil masakit ang aking tuhod at siko. Nagpalipas muna ako ng ilang minuto upang ibsan ang kirot. Mabilis na naglalakad papalayo ang babae papasok na sa airport. Sa aking kanan napansin kung may papalapit na isang security guard kaya pinilit kung tumayo. Doun ko nakita ang isang i-phone na naupuan ko sa pagkalalaglag.

Cellphone siguro ito ng babae na hindi niya napansing nahulog dahil sa mabilis na aksidente. Nakita rin ito ni Jerry.

"I-ihabol mo Bok.. ihabol mo..dun to sa babae.." Sabi ko. Naglakad akong paika-ika upang isandal ang sarili sa poste hawak ang kanang siko.

Ang sakit.

Nakapasok si Jerry sa Airport, matapos magpakilalang pulis at iwan ang kanyang badge at service pistol, pero mga kinse minutos lang ang lumipas, bumalik ito. Hindi niya inabutan ang babae. Naghintay pa kami hanggang mga 20 minutes at patanaw-tanaw sa loob at paligid, pero hindi na ito bumalik sa aming lugar.

"Bok, kailangan ako sa Crame, tara na. Tawagan mo na lang yung mga nandiyan, baka may kamag anak at i-aarange niyo na lang kung pano makakabalik yan."

Bukod sa pag hatid kina Paeng, dinala ni Jerry ang kanyang sasakyan dahil pinarereport siya sa Crame, at ako naman, mamimili ng mga bagong gamit sa aking farm. Wala akong balak na tumagal sa Manila, kaya magbu-bus ako pabalik kinagabihan.

Mag-aalas tres na ng hapon, tapos na akong mamili ng aking kailangan, nag pahinga ako sa isang coffee shop sa Cubao. Iniwan ko ang mga gamit na dala ko sa terminal sa loob ng pinag bilhan ko ng ticket. Nung tingan ko ang I-phone, may isang missed call. Hindi ako sanay sa mga bagong gadget, pero ng ma-scroll ko ang screen, nakita ko ang pangalan at number ng huling tumawag. Pinag-aralan ko kung paano makaka sagot. Saka nagtype sa message box.

"Hi, this is Carlo. Someone left this phone at the airport early morning today. If you personally know the owner, please call. Thanks."

Siguro mga sampung minuto lang, tumawag ang tinext ko kaya agad kung sinagot.

"Hello.."

"Hello, ako po si Emily, kaibigan ko po ang me ari ng number na yan, I-phone ang unit niya."

"I-Phone nga po yata ito. Nasa airport po kami kanina, pinilit naming ihabol pero hindi na namin naabutan.."

"Naku, kaibigan niya po ako.. teka, sandali po at online siya, kausapin ko muna po huwag niyo na pong ibaba.."

"Okay, sige. I'll wait."

Mga ilang saglit pa ang lumipas, muli kung narinig ang kanyang tinig.

"Hello, Sir.." Sabi ng babae. "Nakausap ko po si Cha, sa eroplano niya na daw napansin na wala ang cellphone niya kaya hindi na siya nakabalik. Kung pwede daw po, ibigay niyo na lang sa akin at ako na lang magpapadala sa kanya. Nasaan po ba kayo?"

"Si-sige, nasa Cubao ako. Aalis ang bus ko mga 8:30 mamaya. Saan tayo puwede mag kita? "

"Ay ang layo niyo, hahahaha.. nasa office pa po ako eh, pero can we meet mga 5:30 or 6:00?"

"Okey lang, tawag ka na lang po kayo kung saan.."

Ibinigay niya sa akin ang lugar na malapit sa kanya at malapit sa akin. Mag-aalas kuatro na, kaya hindi na ako nag-aksaya ng panahon, nag punta na ako doun para mag hintay sa kanya.

~~~

Si Emily sa tantiya ko ay mga 44 anyos na. Maiksi ang buhok, maputi at laging naka ngiti. May asawa at dalawang anak. Kaibigan niya ang may ari ng phone na nakilala niya una sa yahoo group na 40's kalaunay naging viber friends. At tuwing nasa Manila daw ang kanyang kaibigan, siya ang tinatawagan at kasama nito. Ang lahat na ito ay nalaman ko sa kanya. Marami siyang nai-kwento sa akin sa loob ng kalahating oras na kwentuhan sa Figaro.

Dahil naghahabol ako ng oras, maiksi lang ang usapan namin ni Emily. Nabigla lang ako walang ano-anoy tinanong niya ang edad ko.

"Ilang taon na ba kayo?"

"Ha?, Ah eh. 42. Tama 42 na yata." Minsan, pag ang tao lumampas na sa kalendaryo, nalilimutan ng magbilang taon-taon. Kasali na siguro ako dun.

"Ay tamang tama, hanapin niyo kami sa facebook, meron kaming group dun, teka at ia-add ko kayo sa Facebook."

Facebook?

"W-Wala akong facebook Emily. Pero, hayaan mo at gagawa ako.."

Natawa ang kausap ko.

Upang mapadali, binigyan niya ako ng calling card. Naroon ang number niya at email address. Doun ko daw siya mahahanap pag may facebook na ako. Muli siyang nagpasalamat sa pagbabalik ko ng cellphone ng kanyang kaibigan.

"Ang swerte ni Cha. Alam niyo kung iba-iba lang itatakbo na yan.."

Sa isip ko, ano ba naman ang gagawin sa cellphone na yan. Bukod sa ang hirap gamitin, naduduling ako sa liit ng mga letra. Ngiti lang ang isinukli ko ki Emily. Nagpa-alaman kami, nagpasalamat. At nangakong magtatawagan. Nabanggit niyang medyo hawig ako sa kanyang kapatid na lalake.

Magaan ang loob ko sa kanya. Siguro ganun din siya sa akin. Bago kami maghiwalay nag beso sa akin sa Emily. Mahina ngunit sincere ang sinabi nito sa akin.

"Thanks Bro. Maraming salamat."

***

Ako si Carlo. Red ang bansag sa akin noon sa industriya.

Dalawangput-apat na taon akong naging Broadcast Journalist at ang dalawang pung tapon nito ay nakatoun sa pagpapatakbo ng news operations. Nagawa ko ito sa dalawang pinakamalaking kumpanya ng broadcast television sa bansa, sa magkahiwalay na mga panahon. Halos naging haligi na ako nang mga primetime newscasts mula english hanggang tagalog format.

Mataas ang dedikasyon ko sa trabaho na halos nakatira na ako sa aking opisina. Bihis at paligo lang ang panahon ko upang umuwi. Kasama ako sa lahat na mga coverages ng mga malaking balita upang pangunahan ang Satellite News Gathering at Electronic News Gathering.

Ako ang nagbuo ng Rapid Deployment Unit na pansabak ano mang oras sa mabilis na takbuhan sakaling may breaking story. Ipinakilala ko rin ang Digital News Gathering, na kahit nasaang lupalop ang news team na me dalang laptop, broadband at camera, makakapagpadala ng audio/video material ang reporter, gamit ang huge file streaming method na File Transfer Protocol o FTP.

Berdugo ako pagdating sa materyal. Ayoko ng basta kwento, gusto ko kwento na may koneksion sa mga tao. Pinupunit ko ang script kung ang balita ay halimbawa asong nangagat ng tao, mas gusto ko kung, 'kung tao ang kumagat sa aso.'

Brutal ako pagdating sensationalism, gusto ko may damdamin. Gusto ko may pakiramdam. Ayoko ng pinaiiyak ang subject lalo na't namatayan, dahil walang puso at dahil tanga ang reporter kung magtanong.

Ako mismo ang umaayos ng mga script mula sa mga senior desk editors at ako ang umaayos ng kabuuan ng newscast dahil dapat alam ko ang bawat kataga na bibitawan sa ere ng mga news presenter. News reader ang tawag ko sa kanila, dahil ni minsan ay hindi sila naki-alam sa script na ibinabato sa prompter. Ako ang taga mura sa mga reporter na huli kung pumasok o mali ang detalye ng kwento. At ako ang taga batok sa cameraman kung walang audio ang kanilang kuha, o kaya defocus ang video dahil mas matingkad ang backround sa foreground. O kaya talong ang kulay ng video dahil tinamad mag-white balance bago mag-shoot.

Ako ang taga-gawa at tagahingi ng budget para sa lingguhang news gathering at tiga-ayos ng team kung sino ang pupunta sa ibang bansa. Hawak ko ang leeg ng mga program managers, news directors at executive producers hanggang sa mga regional news organization ng kumpanya.

At dahil mabangis ako sa news room, kulay pula ang paningin sa akin ng boung news department. Pulang mandirigma umano ayon sa kanila, na kalaunay pinaiksi sa aking palayaw na Red.

Sa bigat ng aking obligasyon, kung minsan wala na akong panahon sa aking sarili. Buti na lang bago pa man naging masalimout ang aking buhay, maaga akong nakapag-asawa. Nakilala ko siya noong ako ay disc jockey sa isang FM station sa Manila, panahon nung ako ay nag-uumpisa pa lamang sa industriya ng media.

Hindi ko plinano at pinangarap ang media, dahil ang kurso kung kinuha sa kolehiyo ay BS Biology. Hindi ko ito natapos dahil nasilaw na ako sa trabaho. Napunta ako rito dahil sa isang pagkakataon. Sinamahan ko lang ang aking dorm-mate noon na mag-audition sa NU-FM. Moral support lang sana ako sa kanya, dahil ito talaga daw ang hilig niya mula pa pagkabata.

Simple lang naman ang audition, babasahin lang ang isang news item na english na i-re-record nila upang malaman ang timbre ng boses at diction. At dahil nasa tabi lang ako, inaya ako ng audition master na sumubok na rin. Binasa ko din ang news item sa recording booth.

Kalaunan, ako ang tinawagan. Ang aking ka-dorm mate ay sumubok pa sa ibang istasyon ngunit sadyang hindi para sa kanya ang mundo ng media. Ngayon, ay isa na siyang music composer na gumagawa ng mga jingles sa mga patalastas.

Nang maging disc jockey ako at nakilala bilang si Jason Prince, tinapatan ko si John Hendrix, si 'Triggerman' at si Francis Magalona na noon ay kilalang 'The Mouth' sa DMZ Radio. Sila ang mga hari ng airwaves nang sumalang ako bilang radio host ng 'Rock of all Ages' sa primetime slot. Sa unang tatlong buwan ko sa ere, dumapa ang unang biktima ko, si 'Joe de Mango' at ang kanyang Love Notes, sa listenership shares. Tatlong radio at TV advertisements ang ginawa ko, at ang voice over ko sa Red Horse Ad na "Patunayan mong marunong kang magdala, mag Redhorse ka!" ang naging susi upang makabili ako ng una kung sasakyan.

Simula noon, marami akong naging babae. Maraming nakasiping. Mapa one-night-stand sa party, o kaya group sex, banggitin mo na lahat, dahil noong nasa pagitan ng dekada otsienta at nubenta, panahon na mga taga-radyo ang kilabot ng mga kolehiyala sa boung Metro Manila. Mananawa ka sa pekpek, lalo na kung makamandag ang iyong dila at me kagandahan ang iyong itsura.

Kahit sa loob ng announcers booth kung mga dis-oras ng gabi, habang nanonood ang technician on-board, kumakantot ako habang nakasalang ang vinyl records sa turn table. Natatandaan ko, pag ang DJ nagpatugtog na kantang American Pie ni Don McLean, kumakantot yan o tumatae. 8:20 minutes ang haba ng tugtog, kaya kung matindi ka -- makakadalwa kang putok sa pekpek. (Hindi pa uso ang computer at wala pang automated program selection, kaya compact disc, cassete tape at plaka ang gamit sa non-stop music na kailangan alalayan sa manual segue.)

Isa sa tatlong beses kung in-American Pie ang aking napangasawa na noon ay magdi-disi-otso anyos pa lang. Pero nadisgrasyang nabuntis ko ito.

Noon ay second year college siya sa De La Salle University sa kursong Civil Engineering. Hindi niya ito natapos doon dahil sa nangyari kaya isinumpa siya ng kanyang pamilya. Wala siyang ibang matakbuhan kundi ako at pinanindigan ko naman ang aking obligasyon. Hindi kami agad nakasal, dahil hindi pumirma ang kanyang mga magulang sa consent para sa menor de edad na pag-aasawa.

Noong una ay tanggap ko, na siya ang aking makakasama habang buhay, kaya ipinadama ko sa kanya ang pagmamahal. Hindi ako nagkulang sa obligasyon ko bilang padre de pamilya, lalo na sa bahay at sa mga gastusin, kahit namumuhay lang kaming payak na sapat lang sa aking sahod. Mas minabuti kung magbantay na lang siya ng mga anak namin at alagaan sila habang nasa trabaho ako. Pina-uwi ko sila sa Bicol, upang mas maging magaan ang buhay. At pinakuha ko rin siya ng ilang units -- upang matapos ang kanyang kurso sa Aquinas University.

Dalawa na ang anak namin ng magpakasal kami sa huwes, dahil kailangan na ng mga bata sa eskuwelahan ng mga dokumentong ligal ang pagsasama ng kanilang mga magulang.

Habang hinihila ang mga araw, nakapabilis para sa akin ang bawat oras. Hindi ko napansin na mula sa pagiging disc-jockey, napunta ako sa AM radio at naging reporter. Kalaunay naging Radio Anchorman. Isinama ako sa isang audition sa TV Reporting ngunit hindi agad ako nakuhang reporter, bumagsak ako sa newsdesk o deployment ng mga reporters.

Nagustuhan ko ang trabaho dahil tila makapangyarihan na ako ang nakaka-alam kung ano ang lalabas araw-araw sa mga balita. Kalaunay na-promote ako bilang associate producer, naging executive producer, naging supervising news manager -- hanggang sa maging head ng news operations at news gathering.

Nalibang ako sa aking ma-aksion ngunit madugong mundo ng trabaho.

Huli na ng malaman ko na dahil sa aking pagiging tapat na newsman, unti-unting natutunaw ang aking pamilya. Nalimutan ko na may pakiramdam rin ang aking asawa. Na may pangangailangan ito hindi lang pera, kundi ang aking pagkatao. Hindi ko siya nabantayan at naagapan ng makahanap ng ka-textmate, o ka-chat sa internet na kalauna'y kinatagpo sa malambot na kama.

Hindi ako handa ng maganap ang pinakamalaking breaking story -- na nangyari sa aking tahanan. Ang script ng kanyang pagpapa-alam ay ini-abut sa akin ng panganay naming anak na noon ay dose anyos lang.

***

Lumipas ang mga araw at buwan matapos iwanan ako ng aking asawa, nagbago ang timpla ng aking mundo. Mas lalo akong naging aburido at mas mabilis ng uminit ang aking ulo.

Inumbagan ko ang isang reporter sa isang pagkakataong nasa live point ang team namin, dahil kahit nag ensanyo na ito ng kanyang on-cam annotation, bigla itong nabulol at nawala sa sarili na halos wala ka ng maintindihan sa apat na sentence lang na kanyang sasabihin kahit alam niyang, naka-live ang camera. Nung mag-wrap up, binato ko siya ng sapatos.

Minura ko rin ang isang anchor dahil late. Alas dyes ang newscast, dumating siya ng alas-dyes. Late ito para sa aking ethical standard. Para sa akin dapat handa ang mga anchors sa lahat. At kung late siya, hindi niya na kayang mag-review ng rundown at hard copies ng scripts. Importante ito, dahil masira man ang teleprompter sa live program, alam niya ang sasabihin kahit walang binabasa.

Inaya ko ng suntukan ang aming EVP dahil sa kung ano-anong reklamo sa pagpapatakbo ko ng departmento. Higit sa lahat, lumakas ako sa bisyo. Kahit alam kung me trabaho, umiinom ako sa aking opisina, kasama si Angelo Castro. Tumaas din ang dosage ko sa sigarilyo. Ang isang pakete ng Marlboro, tatlong araw lang sa akin. Ang average na nauubos ko sa isang araw ay tatlong kaha.

Minsan umuwi ako ng bahay, nadatnan ko ang aking mga anak na abala. Inaayusan nito ang kanyang bunso na gaganap sa isang recital. Sa tagpong ito, medyo naiyak ako. Ewan kung saan kumuha ng lakas ang mga anak ko, na maging normal ang kanilang buhay at magtulong tulong upang umusad ng matino, kahit wala ako at kahit wala na ang kanilang ina.

Bumagksak ng tuluyan ang aking dedikasyon sa trabaho ng matanggap ko ang AGV-Nielsen ratings sa primetime newscast. Kumain kami ng alikabok matapos maiwan ng halos 35.40 percent ng kalaban sa audience share. Ito na ang pinakamalakas na latak sa career ko bilang ulo ng news operations. Talo kami sa kompetisyon dahil sabog at walang direksion ang aming mga coverage.

Tatlong linggo makalipas nito, isinumute ko ang aking liham ng pagbibitiw. Hinarap ko si Atty. Mario Escalante, ang Senior Vice President ng Integrated News, si Miss Charo ang Presidente ng kumpanya at si Gabby ang big boss. Pinipigilan nila ako dahil ang kailangan daw ay re-organization, hindi ang aking pag-alis. Pero buo na ang aking pasya. Papalabas na ako ng pinto, narinig ko si Atty. Escalante.

"Sino ang puwedeng ipalit sayo.. me idea ka?"

Naibukas ko na ang pinto. Napatigil ako.

"Tawagan niyo si Maria Ressa, nakausap ko siya last month sa Jakarta. Wala na siya sa CNN, nasa Al Jazzera siya. She's bored and she wants more action. Bagot na siya sa kakahabol sa Al-Queda at mga Taliban, gusto niyang umuwi. I think she's more than qualified."

Medyo natigil ng sandali ang lahat. Alam nilang nakapag desisyon na ako.

"You know our door is always open for you Red." Tinig ni boss.

Pumikit lang ako ng saglit at tuluyang nagpaalam.

"Bye guys. I'm done. I'am tired, it's over."

Kalaunan ay di rin tumagal si Maria. Pinalitan siya ni Charie Villa na noon ay Senior Correspondent ng Reuters International News Service.

****

Matagal na akong wala sa magulong mundo ng media. Pitong taon na rin akong walang asawa at mag-isang nagtataguyod ng mga anak ko. Ang alam ko, masaya na ang aking asawa sa Canada. Paminsan minsan, tumatawag siya sa aming mga anak. At paminsan minsan nagpapadala siya ng mga regalo. Hindi ko naman ito pinipigilan, karapatan niya ito. Paminsan minsan, nag uusap din kami. Pero walang kumustahan. Mga simpleng balita lang sa mga bata, o sa aking ginagawa.

Hanggang doun lang.

Bagamat nag iisa, hinubog ko ang aking mga anak na maging matatag, marespeto at maging mabuting tao. Pinalad naman ako, dahil wala silang ibinigay na sakit ng ulo sa akin. Naging consistent honors ang tatlo sa kanilang pag-aaral. Sa kabila ito ng kakulangan namin ng pera upang tustusan ang mga bagay na gusto nila sa buhay. Hindi ko sila narinig na nag reklamo, umangal at mag handusay dahil sa kawalan.

Hindi ko sila sinanay na matakot sa akin. Gusto ko labanan nila ang aking prinsipio sa lahat ng bagay at gusto kung sumagot sila ng nararapat sa mga bagay na aming pinag uusapan. Ang aming hapag kainan ang nagsisilbing conference room. Dito, hindi ako ang kanilang ama. Ako ay parte at kakampi nila. Masaya na ako sa ganitong buhay.

Simple, pero masaya.

****

"Meron ba kayong Facebook?" Tanong ko sa mga anak ko, habang naghahapunan kami. Tatlong araw na ang nakalipas ng ihatid namin si Paeng sa NAIA.

Nagkatinginan ang tatlo. Nagkibit balikat ang lalake.

"Meron po.."

"Bakit..?" Sabi ng panganay kung babae.

"Gawan niyo ako.." Sabi ko habang sumusubo.

"Sino naman ife-facebook mo Pa?" Tanong ng bunsong anak na babae..

"Wala. I heard that it could bring you in touch with old friends, gawan niyo ako, ha?"

Nakangiti ang tatlo. Pero gagawa daw sila. Later.

****

Sa Facebook, nahanap ko ang mga dating kaklase, guro at mga kasamahan ko noon sa radyo. Merong FB Group na Philippine Radiomen kaya muli kung nakasalamuha ang mga dating DJ na ngayon ay matatanda na. Ang ilan, nasa ibat ibang bansa na nakatira.

Si Emily ay madali kung nahanap. Na kalaunay ini-link niya ako sa isang kaibigan matapos ma-accept ang aking request. Doun ko nakita sa unang pagkakataon si Charissa, ang kanyang picture profile. Ito ang babaeng may ari ng I-Phone na ibinalik ko. Nakita kung tinanggap niya ang aking add request.

Nagningning ang aking mga mata. Maganda siya.